DALAGA PATAY, 2 SUGATAN SA ARARO NG VAN

CAVITE – Patay ang isang 29-anyos na dalagang production sub-leader habang sugatan ang dalawa pa matapos araruhin ng isang aluminum van habang tumatawid sa kalsada sa Carmona City sa lalawigan noong Lunes ng gabi.

Pawang isinugod sa Carmona Medical Hospital ang mga biktimang sina Jemerine Bombani, 29; Sheryl Cantuba, 45, at Burlet Sevilla, 48, ngunit idineklarang dead on arrival ang una.

Kinilala naman ang driver ng Isuzu Rebuilt aluminum van na may plakang CBJ 3001 na si alyas “Fernando”, 30 ng Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Ayon sa ulat, minamaneho ni Fernando ang kanyang Isuzu Rebuilt aluminum van habang binabagtas ang inner lane ng Governor’s Drive Brgy. Mabuhay, Carmona City, ngunit dahil sa mabilis nitong pagpapatakbo ay hindi nakontrol ang kanyang pagmamaneho nang tumawid sa kalsada ang tatlong biktima dakong alas-7:30 ng gabi.

Pawang isinugod sa ospital ang tatlo subalit idineklarang dead on arrival si Jemerine habang ang driver ng aluminum van ay agad naaresto.

(SIGFRED ADSUARA)

38

Related posts

Leave a Comment