GINANG PATAY SA LANDSLIDE

PATAY ang isang babae nang matabunan ng rumaragasang putik at bato sa paanan ng bundok kasunod ng landslide sa bahagi ng Sitio Labangan-Hacienda, Barangay Gabon, Abucay, Bataan.

Ayon sa datos na nakalap ng Disaster Response Management Division ng DSWD FO 3, isang pamilya ang naitalang naapektuhan ng pagguho ng lupa at isa naman ang naitalang namatay.

Kinilala ng Abucay MDRRMO at ng Bataan PNP ang biktimang si Roselyn Dela Cruz, 27, empleyado ng Labangan Resort na sakop ng pinangyarihan ng trahedya.

Ayon sa ulat, Sabado ng madaling araw nagsimulang bumuhos ang malakas na pag-ulan na naging sanhi ng pagbaha kasunod ng  pagbulusok ng malakas na tubig mula sa kabundukan na naging dahilan ng pagbigay at pagguho ng lupa na tumabon sa kinaroroonan  ng biktimang si Dela Cruz, na nangyari sa pagitan ng alas-5:00 at alas-6:00 ng umaga.

Nakaligtas naman ang tatlong anak ng biktima dahil naisipang makitulog sa bahay ng kanilang lolo at lola na hindi kalayuan sa lugar. (JESSE KABEL)

103

Related posts

Leave a Comment