KADETE TUMAKAS SA PNPA?

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police Academy (PNPA) kung tumakas ang isa nilang bagong  kadete na nadiskubreng nawawala sa kanilang ‘reveille’ sa Camp Castañeda sa Brgy. Tartaria, sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon.

Si Cadet Rolando Victor Balasabas ay nadiskubreng nawawala nang magsagawa ng bilangan ng mga kadete sa kanilang “reveille” dakong ala-1:00 ng hapon.

Ayon sa ulat ni P/MSgt. Johnny Dumangeng ng Silang Police Station, huling nakita ang biktima dakong alas-2:00 noong Sabado ng madaling araw na pumasok sa CR sa loob ng Camp Castañeda.

Pero bago ang “pagkawala” ng kadete ay nagsumite umano ito ng kanyang resignation letter na umano’y inasistehan ng kanyang squad leader.

Sa impormasyon mula kay Dumangeng, tinututulan umano ng magulang nito ang planong pagre-resign ng kadete na pinaniniwalaang dahilan kung bakit tumakas ang biktima. (SIGFRED ADSUARA)

186

Related posts

Leave a Comment