GRADE 8 STUDENT NALUNOD SA ILOG

CAVITE – Pinaniniwalaang nalunod ang isang Grade 8 student na natagpuang walang buhay sa isang ilog sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Jhon Philip Baduria y Cornelio, 13, ng Block J9, Lot 16, Barangay San Francisco 2, Dasmariñas City.

Ayon sa ina na si Marissa Baduria, 43, nagpaalam sa kanya ang biktima na hindi ito papasok sa eskwelahan sa hindi ibinigay na dahilan, na sinang-ayunan naman ng ginang.

Matapos payagan ng ina, lumabas ang biktima at dumiretso sa Carampot River sa Barangay Zone 2, Dasmariñas City.

Dakong alas-2:27 ng hapon nang nakatanggap ng tawag ang ina ng biktima na nalunod ang kanyang anak.

Inaalam pa kung may nangyaring foul play sa pagkalunod ng biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

151

Related posts

Leave a Comment