MENOR DE EDAD HULI SA BUY-BUST

CAVITE – Arestado ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite Police Provincial Office (PPO), ang isang 16-anyos na binatilyo at nasamsam ang tinatayang P102,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi.

Ang suspek na isang 16-anyos ay nasa listahan ng Street Level Individuals (SLIs), residente ng Brgy. Datu Esrael, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi nang ikinasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEU Cavite PPO at Dasmariñas City Police, sa Brgy. H-2 Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P102,000, buy-bust money at isang pulang Yamaha na motorsiklo.

(SIGFRED ADSUARA)

234

Related posts

Leave a Comment