GUN FOR HIRE LEADER, NASILO

QUEZON – Dumayo pa sa bayan ng Catanauan sa lalawigang ito, ang ang mga operatiba ng Cavite Police upang arestuhin ang lider ng Masikat gun for hire group at top 4 most wanted, regional at provincial level, at top 2 municipal level, noong Sabado ng umaga.

Kinilala ng Silang Police Station ang suspek na si Saturnino  Masikat y Novicio, nasa hustong edad.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu nina Presiding Judge  Gian Enrico Cammayo Navarro ng RTC, Branch 133, Tagaytay City, Cavite, at Presiding Judge Edwin G. Larida ng RTC, Branch 18, Tagaytay City Cavite, inaresto si Masikat dakong alas-10:30 ng umaga sa Brgy. San Isidro, Catanauan, Quezon.

Ayon sa Silang MPS, nakatanggap sila ng impormasyon na ang suspek ay nagtatago sa Quezon kaya bumiyahe sa lugar ang mga operatiba ng Warrant Section ng Silang MPS at RPDEU 4A at nakipag-ugnayan sa Cabanatuan City Police, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa kasong robbery with homicide at murder. (SIGFRED ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment