HIGH RANKING NPA LEADER NAPATAY NG MILITAR

NASABAT at napaslang ng mga tauhan ng 102nd Infantry Brigade ng Philippine Army ang isang high ranking communist New People’s Army leader sa sagupaan sa Zamboanga del Sur.

Ayon sa ulat na ipinarating kay Army Commanding General, Lt. General Roy Galido, na-neyutralisa ng kanyang mga tauhan ang mataas na pinuno ng NPA sa Zamboanga del Sur nang matunton ang pinagtataguan nito sa Barangay Malagalad, Sitio Dumingag kahapon.

Kinilala ang napatay na terorista na si Aprecia Alvarez Rosette, alyas “Bam-Bam”, secretary ng Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC), Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay Lt. General Gabriel Viray, pinuno ng Army 1st Infantry “Tabak” Division, si Rosette ay may higit 30 warrants of arrest dahil sa kasong extortion, murder, arson at destruction of construction equipment.

Kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol operations ang tropa ng 102nd Infantry Brigade nang makasagupa nila ang apat na armadong miyembro ng teroristang grupo.

Tumagal ang sagupaan ng 10 minuto bago tumakas ang mga kalaban at inabandona ang namatay nilang kasamahan.

Narekober sa encounter site ang isang (1) AK47, magazines with serviceable ammunition, isang (1) cal. 45 pistol at personal belongings.

Agad na pinapurihan ni General Romeo S. Brawner Jr., Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, ang mga tauhan ng 102nd Infantry Brigade at 1st Infantry “Tabak” Division, sa pamumuno ni Lt. Gen Gabriel Viray III, sa kanilang successful focused military operations sa Zamboanga del Sur.

“I commend the remarkable efforts of the Tabak troopers for their dedication to eradicating the armed group responsible for spreading fear and havoc in Zamboanga del Sur,” ani Gen. Brawner.

(JESSE KABEL)

274

Related posts

Leave a Comment