Inihain ng Cavitex KASONG KRIMINAL VS PEATC OIC ESTEBAN

NAGSAMPA ng kasong kriminal ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPCT) laban kay PEA Tollway Corporation (PEATC) Officer-in-Charge (OIC) Dioscoro Esteban.

Kabilang sa mga kasong naisampa ang perjury, usurpation of authority, at slander matapos umanong magsumite si Esteban nang walang basehang petisyon para sa mandamus sa Court of Appeals.

Ang aksyong ito ng MPTC ay upang papanagutin si Esteban, sa kanyang pagiging iresponsable at hindi awtorisadong misrepresentation ng PEATC nang siya ay maghain ng petisyon laban sa CIC.

Sumumpa si Esteban na siya ay awtorisadong kinatawan ng PEATC sa kabila ng kakulangan niya ng board authority. Gayundin, may mga binitawan umano itong pahayag na nakasisira sa reputasyon ng CIC.

Inusisa ng CIC ang paghahain ni Esteban ng petisyon gamit ang mga pribadong abogado na lumalabag sa mga tuntunin ng Office of the Government Corporate Counsel o OGCC na kung saan sila ang lehitimong mga abogado ng mga Government-owned and operated corporations o GOCC tulad ng PEATC.

Ani Atty. Criselda Funelas, kung ang isang public officer ay magpapanggap na siya ay awtorisado ng kanyang ahensya, na wala namang katotohanan, ito ay usurpation. Gayundin, perjurious ang pagsasabi nito habang nanunumpa sa husgado.

Ang mga ginawa ni Esteban ay nagpapakita ng partiality at gross inexcusable negligence na itinuturing na krimen sa ilalim ng Republic Act No. 3019 o the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Bilang isang public officer, kinakailangan umanong managot ni OIC Esteban sa kanyang mga naging aksyon.

34

Related posts

Leave a Comment