JEEP TUMALON SA BANGIN SA BOHOL, 12 SUGATAN

BOHOL – Umabot sa 12 ang sugatan matapos mahulog ang isang pampasaherong jeep sa hindi kalalimang bangin sa gilid ng kalsada sa Barangay Mansasa, Tagbilaran City sa lalawigan noong Lunes ng tanghali.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Office ng Bohol, patungo ang jeep sa bayan ng Sevilla mula sa terminal nito sa Barangay Dao, Tagbilaran nang mangyari ang insidente.

Ayon sa driver, nawalan ng preno ang jeep kaya sinadya niya itong ibangga sa railings para maiwasang mahulog sa mas malalim na bahagi.

Pero lumusot pa rin ang jeep at bumangga sa mga puno sa gilid ng kanal at saka patagilid na bumagsak.

Sugatan ang 10 pasahero nito gayundin ang driver at konduktor.

(NILOU DEL CARMEN)

59

Related posts

Leave a Comment