KAMARA NAGLULUKSA SA PAGPANAW NI REP. BARZAGA JR.

NAGLULUKSA ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpanaw ni Dasmariñas City Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr.

“We are deeply saddened by Cong. Pidi’s passing. The House of Representatives has just lost a great legal thinker and a smart number-cruncher,” ani House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ayon sa pahayag ng pamilyang Barzaga, pumanaw ang 74-anyos na mambabatas sa California, USA noong Sabado (oras sa Pilipinas).

Nabatid na naka-medical leave ang mambabatas dahil nagpapagamot ito sa Amerika subalit hindi nilinaw kung ano ang sakit nito.

Naulila ni Barzaga, chairman ng House Committee on Environment and Natural Resources, si Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga at tatlong anak.

(BERNARD TAGUINOD)

57

Related posts

Leave a Comment