Kinasuhan ng act of lasciviousness DALAGA BINARIL NG STEPFATHER

BINARIL SA ULO.jpg

CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 23-anyos na dalaga nang barilin ng kanyang stepfather dahil sa dati nilang alitan, sa bayan ng Maragondon sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Reabel De Ocampo y Barnedo, 23, habang tinutugis ang suspek na si Alberto Roben Havier, nasa hustong gulang, ng Brgy. Mabacao, Maragondon.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang magtungo ang suspek sa bahay ng biktima sa Brgy. Ganta B sa Maragondon at kinausap hinggil sa matagal nang alitan ng dalawa.

Nag-ugat ang alitan ng dalawa nang nagsampa ng reklamong act of lasciviousness ang biktima laban sa kanyang stepfather.

Humantong ang pag-uusap sa mainitang pagtatalo hanggang sa barilin ng suspek ang dalaga at pagkaraan ay tumakas.

(SIGFRED ADSUARA)

121

Related posts

Leave a Comment