LADY RESTO OWNER, ANAK PATAY SA PAMAMARIL

NORTH COTABATO – Patay ang babaeng may-ari ng isang restaurant at ang anak nitong lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng establisyemento sa Poblacion, sa bayan ng Pikit sa lalawigan noong Martes ng tanghali.

Kinilala ang mag-inang sina Betty Cadulong-Lu at Jonard Lu, 47, mga residente ng Brgy. Poblacion, sa bayan ng Pikit.

Ayon sa report ng Pikit Police, nasa loob ng restaurant ang mag-ina at nag-aasikaso sa kanilang mga pagkain nang pumasok ang suspek at pinagbabaril ang dalawa.

Mabilis na tumakas ang suspek makaraang maisagawa ng krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek.

Nabatid na ang babaeng biktima ay kapatid ng doktor na si Robert Cadulong Sr. na pinagbabaril at napatay rin ng hindi kilalang suspek dalawang taon na ang nakararaan.

(NILOU DEL CARMEN)

49

Related posts

Leave a Comment