LALAKI PATAY SA SAKSAK NG TRIKE DRIVER

PATAY ang isang lalaki makaraang saksakin ng isang trike driver na dati umano nitong kaalitan sa Barangay 53, Zone 4, Tondo, Manila noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Alejandro Navajas, ng Tondo, Manila habang tinutugis naman ng mga operatiba ng Manila Police District ang suspek na si Carlo Calugay, 22, tricycle driver.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Jason Ibasco kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD-Homicide Section, bandang alas-9:55 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Gabriela Street sa nabanggit na barangay.

Nauna rito, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Inakala umano ng biktima na tapos na ang kanilang pag-aaway ngunit inabangan siya ng suspek sa lugar at sinaksak.

Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

(RENE CRISOSTOMO)

30

Related posts

Leave a Comment