LALAKI PINASOK SA BAHAY, PINATAY

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkamatay ng isang 49-anyos na lalaki na natagpuang walang buhay at may tama ng bala sa katawan, sa kanilang bahay sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si alyas “Alvin”, ng Brgy. Ibayo, Estacion, Naic, Cavite.

Ayon sa salaysay ng isang saksi, panay ang tahol ng isang aso sa bahay ng biktima kaya pinuntahan nito at binuksan ang kanilang bahay subalit tumambad sa kanya ang wala nang buhay na si Alvin bandang alas-4:30 ng hapon

Agad nitong tinawagan ang kapatid ng biktima at sa una ay pinaniniwalaang inatake lamang ito subalit nang tinangkang buhatin ay may umagos na dugo at may nakitang basyo ng bala sa tabi dahilan upang ipagbigay-alam sa pulisya.

(SIGFRED ADSUARA)

44

Related posts

Leave a Comment