LALAKI PINUGUTAN NG KA-BUDDY SA INUMAN

LANAO DEL NORTE – Patay ang isang lalaki matapos saksakin at pagtatagain saka pinugutan ng kanyang kainuman sa Barangay Lapinig, sa bayan ng Kapatagan sa lalawigan noong Linggo ng gabi.

Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang kinilalang si Reynaldo Epe Balasabas, 40-anyos.

Ayon sa report ng Kapatagan police, nag-iinuman ang magkaibigang suspek na si Rolando Suarez Mabangin, 41, at ang biktima ngunit nang malasing ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Para matigil ang diskusyon, umalis ang biktima para umuwi subalit sinundan ito ng suspek at saka inatake ng taga at saksak saka pinugutan.

Mabilis namang nagresponde ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams subalit hindi na naisugod sa ospital ang biktima.

Naabutan naman ng mga ito ang suspek na naaresto at dinala sa himpilan ng pulisya.

(NILOU DEL CARMEN)

103

Related posts

Leave a Comment