MAG-UTOL TIMBOG SA FRUSTRATED HOMICIDE

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District – Malate Police Station 9 ang magkapatid na lalaki dahil sa tangkang pagpatay sa isang delivery van driver sa Malate, Manila noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Melvin Mendez, 25, at Mark Lester Mendez, 31, kapwa ng San Andres, Malate.

Habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Jaymar Liparanon, 27, residente ng Quezon City.

Batay sa ulat ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang alas-5:30 ng madaling araw, sinita ni Melvin ang biktima hinggil sa maling pagpaparada umano nito ng delivery van.

Nagresulta ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa suntukin ni Melvin ang biktima. Nang makita naman ni Mark ang insidente ay binaril naman nito ang biktima gamit ang sumpak.

Agad namang nadakip ang magkapatid sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad.

(RENE CRISOSTOMO)

27

Related posts

Leave a Comment