LALAKI TODAS SA KAPWA HELPER

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 39-anyos na binata makaraang saksakin sa tagiliran ng kapwa nito helper sa Sto. Cristo Street, Tondo, Manila.

Kinilala ang biktimang si Elorde Alcazaren, tubong Capiz, at stay-in sa trabaho sa Sto. Cristo Street, Tondo.

Samantala, agad namang naaresto ng mga barangay tanod na sina Christopher Peralta, 40, at Nedi Sablayan, 58, ang suspek na si Jason Macahilig, stay-in din sa nabanggit na lugar.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-9:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Sto. Cristo Street.

Nag-asaran umano ang dalawa hanggang sa magkapikunan na nauwi sa suntukan. Nakatakbo palayo si Alcazaren subalit sinundan ito ng suspek at inundayan ng saksak sa tagiliran.

Idineklarang dead on arrival ang biktima sa pagamutan habang agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek.

(RENE CRISOSTOMO)

218

Related posts

Leave a Comment