LGU-RUN DISABILITY RESOURCE CENTER BINUKSAN SA TAGUIG

PINANGUNAHAN ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pagbubukas at paglulunsad ng kauna-unahang LGU-operated Disability Resource and Development Center sa bansa. Ang inisyatibong ito ay tungo sa patuloy na serbisyo upang mapalakas at maiangat ang sektor ng mga may kapansanan.

Ang pasilidad na inilunsad noong ika-9 ng Enero sa Brgy. North Signal ay mayroong anim na palapag na magsisilbing lugar kung saan pwedeng magsagawa ng information dissemination, program at policy development, capacity building, at iba pang mga serbisyo para sa lahat ng disability stakeholders sa lungsod ng Taguig.

Personal na nakibahagi si Mayor Lani at ipinadama ang kanyang pagmamahal at pagsuporta sa sektor.

“Patunay na sa Taguig hindi lang natin basta sinasabi na mahal natin ang mga Persons with Disability, kundi may kaakibat na aksyon at programa upang iparamdam ang kalinga ng lokal na pamahalaan. Dalangin ko po na ang pasilidad na ito ay magdulot ng ginhawa at kagalingan sa mga taong makikinabang. Inaalay po natin ito para sa sektor na malapit sa aking puso at higit sa lahat, for the greater glory of our Lord,” saad ni Mayor Lani.

Ang Center ay nagbibigay ng mga serbisyo tulad ng Speech Therapy na kabilang sa komprehensibong listahan ng mga libreng serbisyo, kasama rin dito ang Adult and Pediatric Physical Therapy, Occupational Therapy, at konsultasyon sa mga rehabilitation medical doctor at developmental pediatrician.

Bilang isang state-of-the-art facility, ang Center ay nagsisilbing bagong tahanan ng Persons with Disability Affairs Office at ng Philippine Registry for Persons with Disability Services. Mayroon itong mga iba’t ibang specialized rooms tulad ng therapy rooms, consultation rooms, multi-sensory integration room, training rooms, conference rooms, at maging mga pantries. Sa pasilidad ay meron ding E-library na accessible sa lahat ng Taguigueño, at nagsisilbing mahalagang learning at research hub.

Tungo sa pagiging isang Transformative, Lively, at Caring City, patuloy magsasagawa at ipapakita ng lungsod ng Taguig ang mga inisyatibong naglalayong pagandahin at pagbutihin ang well-being at ang quality of life ng lahat ng residente, kabilang ang mga may kapansanan.

174

Related posts

Leave a Comment