LOLONG RAPE-SLAY SUSPECT SA 7-ANYOS, NAGBIGTI

GENERAL SANTOS CITY – Natagpuang walang buhay habang nakabitin sa isang puno ang 74-anyos na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 7-anyos na batang babae noong Marso 13 sa Purok 9- Malinawon, Barangay Conel, sa lungsod.

Ayon sa report ng General Santos City Police, natagpuang nakabigti sa isang puno na kung tawagin ay tambis, ang suspek na si Ermilendo Sajul Sajulga, maghahating gabi noong Linggo.

Nag-iwan ang biktima ng mensahe sa pader na katagang “Wala ako’y sala nga nabuhat” o “Wala akong ginawang masama” sa Tagalog.

Matatandaang si Sajulga ang pinaghihinalaang may kagagawan sa pagpaslang sa batang biktima na si Arianne Cabucos, matapos makuha sa likod bahay nito ang umano’y mga ginamit sa krimen na dalawang kutsilyo.

Hindi kalayuan sa bahay ng biktima ay nakita ang walang saplot na bangkay ni bata na nakasilid sa isang sako noong umaga ng Marso 13 matapos na ito ay mawala noong Marso 10.

Ang nasabing suspek ay kapitbahay lamang ng batang biktima.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng senior citizen at inaalam kung may foul play na nangyari.

Samantala, ihahayag na rin ng pulisya ang resulta ng autopsy report sa bangkay ng bata sa sandaling lumabas ang resulta ng DNA testing.

(NILOU DEL CARMEN)

49

Related posts

Leave a Comment