LUMANG GUSALI NG PGH NASUNOG

NASUNOG ang lumang gusali ng Philippine General Hospital ( PGH) sa Taft Avenue, Ermita Manila nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang magsimula ang sunog at habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pang naglalagablab.

Bunsod nito, nagkaroon ng tensyon sa mga pasyenteng naroroon sa iba’t ibang bahagi ng pagamutan

Idineklara ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, ang sunog sa ikaapat na alarma.

Nabatid na nagresponde na sa nasabing lugar ang mga bumbero at fire volunteers para tumulong na maapula ang apoy.

(RENE CRISOSTOMO)

100

Related posts

Leave a Comment