MAAGAP NA SERBISYO SA OFWs TINIYAK NI QUIÑO

PAG-IIBAYUHIN at gagawin ding maagap ang serbisyo ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa overseas Filipino workers.

Ito ang layunin ni bagong Deputy Administrator ng OWWA na si Mary Melanie “Honey” Quiño.

Si Quiño ay galing sa mundo ng pelikula. Isa siyang lawyer at film producer kung saan ang kanyang natutulungan ay mga manggagawa sa pelikula na nawalan ng trabaho. Kaya naman nang italaga siya ni Pangulong Bongbong Marcos sa OWWA ay agad niyang naisip na mas marami siyang matutulungan sa bago niyang posisyon.

Pag-aari ni DA Honey ang A&Q Entertainment & Primestream, Inc., A&Q Production Films at AQ Prime. Maraming pelikula na ang nagawa ng kanyang film outfit tulad ng Nelia” nina WynWyn Marquez at Raymond Bagatsing na isa sa official entries ng MMFF 2021, ang soon to be shown na “Ligalig” ni Topel Lee starring Nora Aunor, Raymond Bagatsing at Snooky Serna at “Fairy Tale” ni Joel Lamangan na pinangungunahan nina EA Guzman at Ate Gay at ang pang-international na movie na “Pura Serbidora” ni Louie Ignacio starring Elizabeth Oropesa at Dolly de Leon.

Nasa puso na ni DA Honey ang pagtulong sa kapwa at alam niya na marami sa ating OFWs ay nangangailangan ng suporta at serbisyo. Kung noon nga ay tumatanggap siya ng pro-bono cases para makatulong sa mahihirap, ngayon naman ay mga migranteng manggagawa ang bibigyan niya ng atensiyon pati na ang mga naiwan nilang pamilya dito sa Pilipinas.

Nakadagdag pa sa excitement ni DA Honey ang pagkakataong makatrabaho ang bagong Administrator ng OWWA na si Arnell Ignacio. Pareho kasi silang galing sa entertainment industry at madali silang magkaunawaan pagdating sa mga proyektong kanilang gagawin para sa kapakanan ng ating mga OFWs.

18

Related posts

Leave a Comment