OBRERO TINUTUGIS SA PAGPATAY SA DALAGITA

CAVITE – Tinutugis na ng mga tauhan ng Cavite Police ang isang 33-anyos na construction worker matapos na inguso na isa sa mga suspek sa pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita na natagpuan ang bangkay sa ilalim ng tulay sa Trece Martires City noong Lunes ng hapon.

Ipinag-utos ni Cavite Police Provincial Office (CPPO), Officer-In-Charge, Police Colonel Christopher Olazo kay P/Lt. Col. Jonathan Asnan, hepe ng Trece Martires City Police, na hanapin at dakpin si Elden Alegria, 36, tubong Talisay, Negros Occidental, hinihinalang kabilang sa mga pumatay kay alyas “Angel”, Grade 9 student na natagpuang bangkay dakong alas-10:35 noong Lunes ng umaga sa Forever bridge sa Package 2, Sunshine Ville Subdivision, Brgy. Cabuco, Trece Martires City. Ang biktima ay natagpuang may mga sugat sa ulo at leeg.

Ang pangalan ni Alegria ay natukoy matapos na lumantad ang live-in partner nito na si Emelida Aberilla, 46, dakong alas-2:26 noong Martes ng hapon, upang ipaalam na ang ilang ebidensya na nakuha sa crime scene ay mula sa kanyang “asawa”.

Kabilang sa narekober na mga ebidensya ang blue na brief, silver faded folding knife, isang sombrero, pink na face towel at blue na tsinelas na may bahid ng dugo.

Ayon P/Lt. Col. Asnan, dalawa pang nga mga construction worker ang kanilang ‘persons of interest’ na kasamang nag-inuman ng suspek noong Linggo ng gabi hanggang inumaga sa nasabing lugar kung saan natagpuang patay si Angel. (SIGFRED ADSUARA)

150

Related posts

Leave a Comment