MAGSASAKA PATAY SA TUKLAW NG KING COBRA

CEBU – Patay ang isang magsasaka makaraan umanong matuklaw ng banakon o king cobra, sa bayan ng Dalaguete sa lalawigan.

Kinilala ang biktimang si Maximo Millan, residente ng nasabing lugar, agad namatay at hindi na naisugod pa sa ospital.

Ayon sa report ng pulisya, nangyari ang insidente noong Martes ng umaga sa Barangay Babayongan sa nabanggit na bayan.

Nabatid sa imbestigasyon, nagpapastol ng kanyang alagang kambing ang biktima subalit hindi na ito nakauwi sa oras kaya hinanap ng kanyang pamilya.

Ngunit natagpuan itong nakahandusay sa madamong lugar at nakitang may bakas ng tuklaw na tila mula sa mga pangil.

Sinabi ng responder ng Dalaguete Disaster Risk Reduction and Management Office, malaki ang posibilidad na natuklaw ng ahas ang biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

31

Related posts

Leave a Comment