MARCOS RESIGN RALLY NANGALAMPAG SA SENADO

HINILING ng grupong nagprotesta sa harapan ng Senado kahapon ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod dito, hinimok din nila ang Pangulo na sumailalim sa hair follicle drug test.

Pinangunahan ang grupo ng Marcos Resign Movement na nagpahayag ng kanilang pagiging diskontento sa pamumuno ni Marcos Jr.

Kasabay ito sa ikalawang pagdinig ng Senado matapos na makaladkad ang pangalan ni Marcos Jr. sa paggamit diumano ng ipinagbabawal na gamot noong 2012.

Nakiisa rin sa protesta ang Whistleblowers Association of the Philippines na sinabing nawalan sila ng kumpiyansa sa Pangulo dahil sa pagkakadawit nito sa droga.

42

Related posts

Leave a Comment