MEKANIKO TIMBOG SA P240K SHABU

QUEZON – Timbog ang isang mekaniko matapos masamsaman ng mahigit P200,000 halaga ng ilegal na droga sa inilatag na anti-drug operation ng Quezon PNP sa Purok Baybayin Uno, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City noong Martes ng gabi.

Ikinasa ng mga tauhan ng PDEU 4A Quezon ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si alyas “Kalabaw,” 51, residente ng Brgy. Mayao Crossing, Lucena City dakong alas-9:00 ng gabi.

Nakumpiska sa suspek ang 5 sachet na naglalaman ng 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P204,000 ang street value.

Nasa kustodiya na ng Lucena City Police Station ang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na isasampa laban dito.

(NILOU DEL CARMEN)

155

Related posts

Leave a Comment