MISIS PATAY SA BARIL NG PULIS NA MISTER

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang ginang matapos na barilin mismo ng kanyang asawang pulis sa kanilang bahay sa Armour Village, Barangay San Jose Gusu sa lungsod noong Sabado ng umaga.

Ayon sa Zamboanga City Police, matinding pag-aaway ng mag-asawa ang pinag-ugatan ng krimen.

Kinilala ang biktimang si Fredellen Ocariza habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na mister ng biktima na si Police Chief Master Sgt. Julius Santillan Ocariza, nakatalaga sa Isabela City Police Office sa Basilan province.

Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa kanilang bahay.

Sa kasagsagan ng pagsasagutan, bumunot ng maiksing baril ang suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang kanyang asawa.

Hindi na naisugod pa sa ospital ang biktima na agad nalagutan ng hininga.

Tumakas naman ang suspek subalit kinalaunan ay sumuko sa Curuan Police Station 2.

(NILOU DEL CARMEN)

33

Related posts

Leave a Comment