MURDER SUSPECT SA ORIENTAL MINDORO, TIMBOG SA CAVITE

HINDI akalain ng isang 38-anyos na lalaki na matutunton ito sa Cavite makaraan umanong gumawa ng krimen sa Occidental, Mindoro, ayon sa Manila Police District (MPD).

Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Division (DID) ng MPD, ang suspek na  si Raymond Candelario y Daprosa, 38, may asawa, residente ng Sitio Punduhan, Barangay Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro.

Batay sa ulat ni Police Captain Rufino Casagan, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng MPD, bandang alas-11:50 ng gabi noong Miyerkoles nang mamataan ang suspek sa Malagasang I-G, Imus, Cavite.

Bunsod nito, sa tulong ni Police Captain Veronica Apresurado, team lider ng DPIOU, tinungo ng mga awtoridad ang nasabing lugar at sa bisa ng arrest warrant ay inaresto ang suspek sa kasong murder na walang inirekomendang pyansa. (RENE CRISOSTOMO)

235

Related posts

Leave a Comment