NAG-RECRUIT SA 36 CHINESE SA PCG PINATUTUKOY

PANAHON na para hubaran ng maskara ang “makabagong makapili” na nag-recruit sa 36 Chinese nationals sa Philippine Coast Guard Auxiliary Force Corps (PCGAFC) dahil inilagay ng mga ito sa panganib ang seguridad ng bansa.

“Nuong panahon ng Hapon sa Pilipinas, meron tayong mga Makapili. Ngayon, meron na rin umano tayong mga Makabagong Makapili na nagsisilbi sa interes ng China sa ating bansa. Panahon na para imbestigahan at kilalanin ang umano’y mga walang konsensya at taksil sa bayan na mga ito,” pahayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Ang Makapili ay grupo ng mga Pilipino noong panahon ng World War II na binuo at nakipagsabwatan sa puwersa ng Imperial Japanese Army na nanakop sa Pilipinas para sa kanilang personal na interes.

Ayon sa mambabatas, nakababahala ang natuklasan ng mga ito sa pagdinig ng House committee on transportation na may 36 Chinese nationals ang nakapasok kahit walang national security clearance sa PCG AFC na tinanggal umano ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.

“The Chinese nationals are with the PCGA for more or less three years. Did the PCG conduct due diligence on these nationals. Obviously, there’s none. As Admiral Gavan has admitted, some 36 were axed because they failed to secure national security clearance. We also do not know if those Chinese nationals are officials from the China People’s Liberation Army, businessmen, or tourists out to justify their longer stay here in our country,” ani Barbers.

Dahil dito, kailangang magsagawa aniya ng malalimang imbestigasyon para malaman kung sino ang backer ng mga Chinese national.

(BERNARD TAGUINOD)

34

Related posts

Leave a Comment