NAGLAKAD SA RILES, PWD PATAY SA TREN

QUEZON – Patay ang isang lalaking person with disability (PWD) nang masagasaan ng PNR train sa Brgy. Inaclagan, sa bayan ng Gumaca, sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Danilo Caperiña, 65-anyos.

Ayon sa report ng Gumaca Police, dakong alas-10:00 ng umaga nang masagasaan ng Bicol bound train ang biktima habang naglalakad sa mismong riles.

Ayon sa mga nakasaksi, sunod-sunod na ang pagbusina ng operator ng train na si Gregorio Sevilla subalit hindi umano ito napansin ng biktima na napag-alamang may kapansanan sa pandinig.

Tuluyan itong nabundol ng tren at nakaladkad pa ng 30 metro.

Dumanas ang biktima ng grabeng pinsala at mga sugat sa katawan at agad na binawian ng buhay.

(NILOU DEL CARMEN)

147

Related posts

Leave a Comment