NAMARIL SA LOOB NG OPISINA, TINUTUGIS

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang ‘di kilalang suspek na bumaril at pumatay sa isang 41-anyos na lalaki sa loob ng kanilang opisina habang paakyat sa hagdanan sa bayan ng Rosario sa lalawigan, noong Martes ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Renerson Faller ng Trece Martires Cavite, tinamaan ng bala sa ulo.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:16 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng isang opisina sa VCM Building., Barangay Tejeros Convention, Rosario, Cavite.

Paakyat umano ang biktima sa hagdanan nang walang sabi-sabing binaril ito ng suspek sa ulo.

Nirerebyu sa kasalukuyan ang footage ng Close Circuit television (CCTV) para sa pagkakakilanlan ng suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

66

Related posts

Leave a Comment