NIA EMPLOYEE PATAY SA PAMAMARIL

NORTH COTABATO – Patay ang isang empleyado ng National Irrigation Authority (NIA) matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang sakay ng kanyang motorsiklo sa national road sa Brgy. Kilada, sa bayan ng Matalam sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.

Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Aries Tiway Jr., 23, residente ng Brgy. Poblacion, Kidapawan City, at empleyado ng NIA Cotabato provincial office.

Batay sa report ng Matalam police, sakay ng scooter ang biktima at patungo sa kabayanan galing sa Barangay Marbel.

Ngunit pagsapit sa crossing sa national highway ay binaril ito ng nag-aabang na suspek. Tinamaan ang biktima sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

154

Related posts

Leave a Comment