P100K PATONG NG PNP SA ULO NG KILLER NG LADY LAWYER

NAG-ALOK ng P100,000 halaga ng pabuya ang mga awtoridad sa makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng dalawang suspek sa pagpaslang kay Abra lady lawyer, Ma. Saniata Liwliwa Gonzales-Alzate.

Inilabas na rin ng Abra Police Provincial Office sa kanilang Facebook page ang mga larawan ng dalawang suspek nakuha mula sa CCTV footages sa lugar.

Hinikayat nila ang mga may impormasyon na agad ipagbigay-alam ito sa kanilang himpilan o saan mang pinakamalapit na police station.

Tiniyak ng PNP na magiging confidential ang identity ng magbibigay ng impormasyon.

Maging ang NBI ay nagsasagawa na rin ng imbestigation hinggil sa pagkamatay ng abogada.

Matatandaan, pinagbabaril si Atty. Alzate habang nakaupo sa driver seat ng kanyang sasakyan na nakahinto sa harap ng kanilang bahay noong Setyembre 14.

(NILOU DEL CARMEN)

166

Related posts

Leave a Comment