P240K NG PAARALAN TINANGAY NG KAWATAN

CAVITE – Arestado ang isang lalaki habang pinaghahanap ang kasama nito matapos na puwersahang pumasok sa isang eskuwelahan at tinangay ang tinatayang P240,000 halaga ng cash, sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong suspek na si Isaias Cayco, nasa hustong edad, habang tinutugis ang kasama nito na si Rommel Alacaide.

Ayon kay Rolf Edward Onio y Caluza, dakong alas-2:00 ng hapon nang puwersahang pinasok ng mga suspek ang exit gate ng Don Amadis School sa Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite sa pamamagitan ng pagsira ng padlock nito.

Dumiretso ang mga suspek sa Admin Office at tinangay ang cash sa vault na nagkakahalaga ng P240,000 saka tumakas.

Pinanood naman ng mga awtoridad ang footage ng CCTV na nagresulta sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto kay Cayco.

(SIGFRED ADSUARA)

88

Related posts

Leave a Comment