PAGKAKALOOB NG BUWANANG P1K HAZARD PAY SA MGA BARANGAY TANOD, IPINASASABATAS

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Estrada ang panukala para sa pagbibigay ng buwanang P1,000 hazard pay para sa mga barangay tanod bilang insentibo sa ginagampanan nilang tungkulin sa kapayapaan.
Sa kanyang Senate Bill No. 794, inirekomenda ni Estrada na ang pondo para sa benepisyo ay magmumula sa budget ng Department of Interior and Local Government (DILG) at isasama sa budget ng local government units (LGUs).
Ipinaliwanag ni Estrada, na binibigyan lamang ng hindi bababa sa P600 kada buwan na honoraria o allowance ang mga barangay tanod.
Ang barangay tanod brigades anya ay mga manggagawa sa komunidad na nangangailangan din ng proteksyon.
Bilang mga frontliner, dapat anya silang makatanggap ng sapat na suporta at pagkilala mula sa gobyerno.
(Dang Samson-Garcia)
212

Related posts

Leave a Comment