PAGKUHA NG BIRTH CERT AT CLEARANCE NG PWDs, SOLO PARENTS ILILIBRE

IHAHAIN ngayong Lunes ng ACT-CIS Party-list ang batas para gawing libre ang mga dokumento bilang job requirements sa sektor ng persons with disability (PWD) at solo parents.

Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo, ang mga dokumento tulad ng birth certificate, NBI, Police, at Barangay Clearance, maging ang Health Certificate ay magiging libre na para sa mga PWD at Solo Parents sa nasabing panukalang batas.

Ani Cong. Erwin, “instead of paying for these requirements, malaking tulong sa mga PWds at Solo Parents ang kanilang matitipid”.

Dagdag pa ng mambabatas, “karamihan sa PWD’s may mga maintenance o therapy na binabayaran habang ang mga solo parents, mag-isa nilang pinapalaki ang anak nila”.

Sinabi ni Cong. Erwin, “any savings para sa kanila ay malaking tulong habang naghahanap sila ng employment”.

Sa kasalukuyan ay may batas na libre ang pagkuha ng requirements pero para sa first time job seekers lang.

Sa batas na ihahain ni Cong. Tulfo, sa tuwing mag-a-apply ng trabaho ang mga PWD at Solo parent ay libre ang pagkuha nila ng requirements.

35

Related posts

Leave a Comment