PH-JAPAN VISITING FORCES DEAL TINATALAKAY NA

NAGSIMULA na ang negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan ukol sa Reciprocal Access Agreement.

Tinukoy ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro ang kasunduan na naglalayong payagan ang pansamantalang pagbisita ng Japanese troops sa bansa.

“Our formal negotiating team led by [DND] Usec. Pablo Lorenzo has left this morning to start the formal round of negotiations with Japan,” ayon kay Teodoro.

Aniya pa, ipinag-utos na niya sa team na plantsahin ang lahat ng mga usapin sa lalong madaling panahon upang sa gayon ay maagang mapagtibay ito ng Senado.

Matatandaang, kapwa inanunsyo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, sa naging pagbisita ng huli sa Pilipinas na binuksan na ng dalawang bansa ang pag-uusap para payagan pansamantala ang tropa mula sa ibang bansa na malayang makabisita sa Pilipinas.

Sa ulat, sinabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na malamang pagtibayin ng Senado ang kasunduan sa susunod na taon.

Sinabi pa niya na may 16 senador mula sa 24 ang bumoto pabor para rito. Naniniwala si Zubiri na suportado ng Senado ang nasabing hakbang.

Bukod sa panukalang kasunduan, ang Pilipinas ay mayroong Visiting Forces Agreement sa Estados Unidos at Status of Visiting Forces Agreement sa Australia.

Ang Japan sa kabilang dako ay mayroong RAAs sa Australia at United Kingdom.

(CHRISTIAN DALE)

85

Related posts

Leave a Comment