INUNAHAN na ng mga tauhan ng 301st Infantry Brigade ng Philippine Army ang inaasahang terroristic activities na ilulunsad ng Communist New People’s Army sa Panay Island, kaya nagsagawa ng focus military operation ang militar sa natunton na kampo ng NPA na ikinamatay ng tatlong communist terrorist.
Ayon kay Brigadier General Michael G. Samson, Brigade Commander ng 301st Infantry (Bayanihan) Brigade, hanggang kahapon ay nagpapatuloy ang kanilang pagtugis sa nakatakas na mga NPA matapos ang isinagawang artillery fires at ground assault sa magubat na bahagi ng Barangays Lomboyan at Torocadan, na parehong sakop ng San Joaquin, Iloilo Province.
Inihayag ni BGen. Samson, may 20 NPA ang kanilang pakay matapos na matunugan ang pagtitipon-tipon nila sa isang temporary NPA camp kung saan sa tulong ng surveillance plane ng Philippine Air Force, ay positibong natukoy ang target area kaya ginamitan ito ng kanilang bagong biling Autonomous Truck Mounted howitzer System (ATMOS) 155mm accurate and computerized target acquiring big gun ng Army.
Nilinaw ng heneral na walang nadamay sa isinagawang artillery fires dahil precision ang gamit nila at may katuwang na surveillance plane para sa accurate target acquisition. Kinailangan umanong bombahin ang lokasyon ng mga NPA dahil nakompormiso ang posisyon ng mga sundalong sumasalakay nang salubungin sila ng heavy volume of fire ng kalaban.
Habang tinutugis ng mga tauhan ng Army 61st Infantry (Hunter) Battalion ang tumatakas na mga kasapi ng Southern Panay Front, Komiteng Rehiyon-Panay (SPF-KR-Panay) na pinamumunuan ng isang Nahum Camariosa @ “Bebong”, may limang matataas na kalibre ng baril ang nakuha sa encounter site, apat na M16, at isang AK47, siyam na backpacks at personal belongings.
“Having cleared all NPA-infested communities in the Visayas last year, we are now geared towards neutralizing the remnants of the NPA terrorists in the region. The success of our campaign early this year is a testament that we are dead serious about ending the local communist armed conflict in the region at the soonest possible time, and we are willing to use our full might to achieve this,” pahayag pa ni Lt. Gen. Benedict Arevalo, pinuno ng AFP Visayas Command.
(JESSE KABEL RUIZ)
138