PNP dumepensa PROMOSYON NG ‘DAVAO BOY’ NA HENERAL BIGAY-BAWI

DUMEPENSA ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nangyaring bigay-bawi na promosyon ng ikalawang mataas na opisyal ng ahensya.

Nilinaw kahapon ng pamunuan ng PNP na tanging ang Pangulo ng Pilipinas ang may kapangyarihan na magtalaga ng senior officials para sa top hierarchy nito.

Wala rin umanong katotohanan na dahil sa pagiging ‘Davao Boy’ ng isang senior official na kabilang sa command group kaya binawi ang inihayag na appointment nito.

Paglilinaw ng PNP, manggagaling kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appointment ng mga top brass ng Pambansang Pulisya gaya ng pagtatalaga kay Lt. Gen. Michael John Dubria bilang officer-in-charge ng Office of the Deputy Chief for Administration, ang No. 2 spot sa PNP na binakante ng nagretirong si Lt. Gen. Rhodel Sermonia.

Ito ay makaraang mapabalita ang ginawang pagbawi sa nasabing appointment ni Dubria bilang No. 2 man ng PNP sa mismong araw din na ibinaba ang promotion.

Si Police General Dubria ay kasapi ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991 na Mistah ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.

Giit ng PNP, ang pagbawi para umangat ang posisyon ni Dubria na kasalukuyang PNP Deputy Chief for Operations ay walang kinalaman sa umano’y pagiging Davaoeño nito.

Sinasabing ang designation order na pirmado ni Major Gen. Belli Tamayo ng Directorate for Personnel and Record Management (DPRM) na may petsang January 29 ay nagtalaga kay Dubria sa binakanteng puwesto ni Sermonia pero sa araw ding iyon ay binawi o pinawalang bisa umano ang kautusan.

“I was made to understand that the order was issued prematurely. If you recall I mentioned last Monday that the designation and appointment of the TDCA and TDCO is within the authority ng ating Presidente. So it was nullified to give deference nga sa official appointment na ilalabas ng ating Presidente,” paliwanag ni Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo.

(JESSE KABEL RUIZ)

52

Related posts

Leave a Comment