Posibleng sumablay MULING PAGSALI SA ICC DAPAT ARALING MABUTI NI BBM

SUPORTADO ni Senador Chiz Escudero ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pag-aralan munang mabuti ang panukalang muli nang sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court.

Sinabi ni Escudero na kailangang timbangin ang bawat desisyon ng gobyerno lalo pa’t may mga tratado na anya tayong pinasok na tayo rin sa bandang huli ang nagbabayad at nagdurusa.

Inihalimbawa ng senador ang Paris-based Financial Action Task Force (FATF), na isang intergovernmental organization na binuo noong 1989 upang buuin ang mga polisiya laban sa money laundering.

Kinalabasan anya ay naba-blacklist ang bansa habang ang Malaysia na hindi sumali ay hindi naba-blacklist.
Nitong 2022, inilagay ng FATF sa gray list ang Pilipinas dahil umano sa kakulangan sa paglaban sa money laundering, terorista at iba pang krimen sa pananalapi.

Sinabi ni Escudero na kailangang isipin munang maigi ng Pangulo kung ano ang mapapala ng bansa kung muling papasok sa ICC.

Umaasa ang mambabatas na hindi hindi pulitika at hindi personal ang rason sa muling pagpasok sa ICC.

Kung magdesisyon naman anya ang Pangulo na muling pumasok sa ICC ay kinakailangan ng concurrence ng Senado.

(DANG SAMSON-GARCIA)

338

Related posts

Leave a Comment