PRODUKSYON NG COCO SUGAR UMARANGKADA

UMARANGKADA na ang produksyon ng coconut sugar sa kabila ng pagmahal ng presyo ng asukal sa merkado.

Ayon sa Philippine Coconut Authority (PCA), unti-unti nang nakikilala ang coconut sugar product dahil sa malaking demand nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni PCA Administrator Bernie Cruz, malaki ngayon ang demand ng asukal na mula sa coconut product dahil mas healthy ito kaysa ibang brand.

Ayon pa kay Cruz, dahil sa paglaki ng demand ngayon ng coco sugar sa merkado, mas hinihikayat ng ahensya ang coconut farmers na paunlarin pa ang pagtatanim ng niyog na isa na ngayong napakahalagang produkto at napakikinabangan.

Sinabi pa ng opisyal na marami nang produkto ang nalilikha sa niyog at halos wala nang nasasayang sa puno nito.

“Napakaraming gamit ng niyog gaya ng coconut oil pati ang bunot at bao ng niyog ay napapakinabangan na rin,” ani Cruz.

Ayon pa sa administrator ng PCA, ang puno ng niyog ay ginagamit din bilang coco lumber at pangunahing pinagkukunan ngayon ng kahoy.
“Sa kasalukuyan, aabot sa 3-milyon coconut farmers ang umaasa sa produkto ng pagniniyog,” ani Cruz. (PAOLO SANTOS)

296

Related posts

Leave a Comment