RANDOM DRUG TEST SA MPD

0

NASORPRESA ang mga miyembro ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4 nang isalang sila sa random drug test, Huwebes ng umaga.

Napuno sa haba ng pila ng mga tauhan ng Station 4 ang quadrangle ng MPD sa United Nations Avenue, Ermita, Manila.

Ayon kay P/Cpt. Philipp Ines, hepe ng Public Information Office, bahagi ang random drug test ng Intensified Cleanliness Policy na ipinatutupad ni MPD Director P/Brig Gen. Leo “Paco” Francisco.

Sa mga nakalipas na buwan ay nagsagawa na rin ng random drug test sa mga tauhan ng MPD at negatibo naman lahat ang naging resulta.
Nabatid pa kay Capt. Ines, umabot sa 184 na kapulisan “in rank’ ang sumailalim sa random drug test nitong Huwebes. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment