PATAY ang 66-anyos na retiradong pulis makaraang taniman ng bala sa ulo ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang naglalakad kasama ang kanyang aso sa Quezon City, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang biktimang siย Robert Tortogo, isang retiradong pulis at residente ng Barangay Payatas, Quezon City.
Batay sa paunang ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandangย alas-6:05 ng umaga, nang sumulpot mula sa likod at malapitang barilin sa ulo ng ‘di pa nakikilalang suspek ang biktimang noo’y ipinapasyal ang kanyang alagang aso.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng Quadcore taxi na may plakang AMA-1945.
Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa hangaring tukuyin ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.
Hinala ng mga kapitbahay, posibleng may kinalaman saย dating trabaho ng biktima ang motibo ngย nasabing pamamaslang.ย (LILY REYES)
317 