RAPE SUSPECT NASILO SA BASECO

ARESTADO ang isang 44-anyos na suspek sa panggagahasa nang matunton ito sa Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Victorino”, may asawa, ng naturang lugar.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, bandang alas-2:00 ng hapon nang damputin ang suspek dahil sa kasong panggagahasa noong Agosto 14, 2014

Inaresto ang suspek sa pangunguna ni Police Captain Mel Soniega ng Intelligence and Warrant Section, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Roberto Buenaventura ng Regional Trial Court Branch 86 ng Quezon City.

(RENE CRISOSTOMO)

31

Related posts

Leave a Comment