RESO NG SUPORTA KAY ROMUALDEZ INSULTO SA SENADO

INALMAHAN ng mga senador ang resolusyon ng Kamara na nagpapahayag ng buong suporta kay House Speaker Martin Romualdez.

Ito ay dahil sa nakasaad sa titulo ng resolution ang “Intense Assault coming from the Senate” o matinding pag-atake mula sa Senado at ang undue interference sa kanilang mga gawain.

Itinuturing ito ni Senator Jinggoy Estrada bilang insulto sa Senado dahil wala namang pag-atake na ginagawa ang mga senador kay Romualdez at sa iba pang kongresista.

Ikinalungkot ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na inaakusahan sila ng Kamara ng mga bagay na kung tutuusin ay ang mga kongresista ang gumagawa.

Bukod dito, mayroon pa aniyang whereas clause na nagsasabing walang malinaw na patutunguhan ang imbestigasyon ng Senado sa People’s Initiative at ito ay maituturing na unparliamentary conduct.

Sa layuning makampante ang Kamara, sinabi ni Pimentel na maghahain na siya ng panukalang batas na bubuo sa Republic Act 6735 para magkaroon na ng sapat na basehan ang People’s Initiative.

Samantala, tiniyak Senate President Juan Miguel Zubiri na palagiang bukas ang kanyang tanggapan para sa pakikipag-usap sa liderato ng Kamara kaugnay sa mga isyu sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Maging si Zubiri ay nagtataka sa paratang ng Kamara dahil katunayan ay siya pa mismo ang nananawagan na ibaba ang temperatura ng bangayan.

Binigyang-diin ng Senate Leader na hinimok pa niya ang mga senador na tutukan na ang kanilang mga trabaho para sa kapakanan ng taumbayan.

(DANG SAMSON-GARCIA)

25

Related posts

Leave a Comment