RIDER PATAY SA KURBADA

CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na rider nang nawalan ng kontrol sa kanyang manibela nang dumaan sa isang kurbadang bahagi ng kalsada at bumangga sa poste ng ilaw sa Trece Martires City nitong Linggo ng madaling araw.

Naisugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Jeromani Colobong y Cabanatuan, 27, ng Carosucan Sur, Asingan, Pangasinan subalit idineklarang dead on arrival dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Governor’s Drive galing ng General Trias City patungo sa Trece Martires City proper.

Pagkalagpas ng biktima sa Panaysayan Bridge sa Brgy. Hugo Perez ng naturang lungsod at pagsapit sa isang kurbadang bahagi ng kalsada nang umano’y nawalan ng kontrol sa kanyang manibela at bumangga sa poste ng ilaw sa gilid ng kalsada.

(SIGFRED ADSUARA)

116

Related posts

Leave a Comment