RIDER TIMBOG SA BARIL

ISINELDA ng mga tauhan ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, ang isang 33-anyos lalaki dahil sa tawag ng isang concerned citizen na may dala umanong baril sa Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Mevin Florida Jr., station commander, bandang alas-10:00 ng gabi noong Linggo nang arestuhin ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Melvin” na nakumpiskahan ng isang Girsan 9mm pistola na may 16 bala, sa Barangay 116 sa Tondo.

Wala namang maipakitang Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ang suspek kaya agad itong inaresto ng Don Bosco PCP responding team.

Nahaharap ang suspek kasong sa illegal possession of firearm.

(RENE CRISOSTOMO)

32

Related posts

Leave a Comment