Sa disaster response and rescue operations sa Masara landslides DISASTER RESPONSE TEAMS, 2 ASO PINARANGALAN

PINARANGALAN ng Philippine Army 10th Infantry Division ang mga kasapi ng Masara Landslide incident disasters response teams, kasama ang dalawang search and rescue canine, sa 10ID Parade Ground, Camp Gen. Manuel T. Yan Sr., sa bayan ng Mawab.

Ayon sa ibinahaging ulat na ipinarating sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, pinarangalan ng 10th Infantry (Agila) Division ang ilang piling mga tauhan na nagsagawa ng disaster response and rescue operations kaugnay sa landslide incident sa Zone 1, Masara, Maco, Davao de Oro .

Mismong si Major General Allan D. Hambala, 10ID Commander, ang nagsabit ng medals sa mga tauhan ng 525th Engineer Combat Battalion, 10ID Emergency Response Company, 25th Infantry Battalion, 11th Regional Community Defense Group, at Military Working Dogs.

Kabilang sa awardees ang dalawang rescue dogs, at mga kinatawan para sa 109 kabuuang personnel mula sa iba’t ibang unit at operations.

“In the citation, the performance of the awardees speaks well of their devotion to duty that resulted in the rescue of 32 injured and retrieval of 93 deceased individuals,” ani Hambala.

Inihayag din Maj. Gen. Hambala ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng personnel na walang kapaguran sa kanilang isinasagawang search, rescue, and retrieval operations sa Barangay Masara.

“Your dedication and professionalism while putting yourselves in harm’s way are testament to the noble values that define our Armed Forces,” dagdag pa ni Maj. Gen. Hambala.

Magugunitang nasapol ng malawak na landslide ang Brgy. Masara, sa bayan ng Maco, mahigit isang linggo na ang nakalilipas.

(JESSE KABEL RUIZ)

48

Related posts

Leave a Comment