SAKIT NA DULOT NG EL NIÑO WATER CONTAMINATION, NAITALA NG DOH

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mga kaso ng water contamination, food-borne at vector-borne na mga sakit sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, sa gitna ng umiiral na El Niño phenomenon.

Noong Enero 2024, ang DOH ‘s El Niño-related health events ay nakapagtala ng 469 kaso ng kontaminadong pinagmumulan ng tubig sa CAR, Rehiyon 11 at 4A; 59 kaso ng food-borne na mga sakit sa NCR, Region 10, at BARMM; at 137 kaso ng vector-borne disease (dengue at chikungunya) sa Rehiyon 10 at 4B.

Sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo, ang nasabing bilang ay hindi pa naka-aalarma ngunit idinagdag na ang mga kaso ay binabantayan at nireresolba o naresolba na.

Samantala, ayon kay Domingo, wala pang naitatalang heat stroke cases sa ating bansa.

Paalala ng opisyal sa publiko, huwag magbilad sa araw at manatiling nasa lilim, gayundin ay magsuot ng light-colored clothes.

Bukod dito, uminom ng maraming tubig kung kinakailangan at kapag lumabas ay iwasan ang oras na 10am hanggang 2pm dahil ito ang pinaka-peak na matindi ang sikat ng araw.

Sa datos, ang mga sakit sa panahon ng El Niño ay hindi lamang dahil sa init ngunit kaugnay sa tamang water handling at storage.

Sinabi ni Domingo, nakipagpulong na ang DOH sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) upang matiyak na maayos ang pagkakabit ng concessionaires ng mga tubo ng tubig, dahil ang mahinang presyon ng tubig ay maaaring magdulot ng mga isyu sa kalusugan.

Tiniyak naman ni Engr. Patrick Dizon, department manager at spokesperson ng MWSS, na ang concessionaires Manila Water at Maynilad ay sumusunod sa standards sa water supply distribution pipelaying.

Ang pag-iimbak ng tubig ay katanggap-tanggap pero ipinaliwanag ni Domingo na ito may dapat gawin nang mahusay upang maiwasan ang dengue.

(JOCELYN DOMENDEN)

73

Related posts

Leave a Comment