SEKYU NABUNDOL HABANG NAGMAMANDO NG TRAPIKO

CAVITE – Patay ang security officer ng Orchard Golf and Country Club nang mabundol ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) habang nagmamando ng trapiko sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Isinugod sa Dasmariñas City Medical Center ang biktimang si Rodolfo Mejos y Tina, 52, security officer ng Orchard Golf and Country Club, subalit idineklarang dead on arrival.

Kinilala naman ang driver ng Mitsubishi Montero na may plakang DAM 4991, na si Primo Salarda y Mallari, 51-anyos.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police, dakong alas-5:50 ng hapon nang mangyari ang insidente.

Habang nagmamando ng trapiko ang biktima sa Brgy. Salawag nang mabundol ito ng Mitsubishi Montero na minamaneho ni Salarda habang binabagtas ang direksyon patungo sa Salitran.

Malubhang nasugatan sa insidente ang biktima na isinugod sa ospital subalit hindi umabot nang buhay. (SIGFRED ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment