KASAMA ang ilang heneral, nagbalik-tanaw si Senadora Imee R. Marcos sa ika-51 taon ng deklarasyon ng Martial Law.
Nakasama niya sa isang dayalogo sina Gen. Hermogenes “June” Esperon, Jr., Gen. Thompson “Tom” Lantion, Gen. Jaime “Jimmy” Delos Santos, Gen. Melchor “Mel” Rosales, Gen. Everlino Nartatez at Col. Arthur Balmaceda kung saan ibinahagi nila ang kanilang mga personal na karanasan noong Martial Law.
Ayon kay Senadora Imee, “Hindi rin ako narito para ipagtanggol ang aking ama. Tulad na lang ng paulit-ulit niyang sinasabi, “Ang kasaysayan na lamang ang maghahatol sa akin.”
Eh tama naman, nakikita naman natin, may kabutihan namang nangyari. ‘Yung agrikultura umusbong, mababa ang presyo.
Nakita natin ang imprastraktura na talaga namang kinabit-kabit ang ating arkipelago at kahit papano andiyan pa rin ang mga kalsada, ang mga gusali, ang rural electrification, ang kabuhayan – andiyan pa rin.
Ang paniniwala natin na malikhain ang Pilipino at sining ang kanyang tunay na kaluluwa – andiyan lahat ‘yan.”
Dumalo rin sa munting kwentuhan at salu-salo noong Huwebes, September 21, sina Gen. Oscar “Oca” Valenzuela, Gen. Ricardo “Ric” De Leon, Gen. Ireneo “Boy” Espino, Gen. Rodolfo Tor, Col. Moises Millena at Col. Randy Maluyo.
(Danny Bacolod)
